Global cases ng COVID-19 nadagdagan ng mahigit 427,000 sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo October 22, 2020 - 09:53 AM

Umabot na sa mahigit 41.4 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules, (Oct. 22) ay 41,452,649 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 427,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 57,000 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 56,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.

Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 23,000 na mga kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 8,578,201
India – 7,705,158
Brazil – 5,298,772
Russia – 1,447,335
Spain – 1,046,641
Argentina – 1,037,325
Colombia – 981,700
France – 957,421
Peru – 876,885
Mexico – 860,714

 

 

TAGS: covid cases, global cases, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, global cases, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.