Sa panayam ng Radyo INQUIRER sinabi ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac, kabilang dito ang average na 1,500 na overseas Filipinos na dumarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) araw-araw.
Mayroon ding 1,500 na OFWs na inaasistihan ng OWWA na makauwi sa kani-kanilang home region.
At mayrooong average na 5,000 OFs ang inaasikaso ng OWWA na nasa mga quarantine facility.
Ayon kay Cacdac, simula noong magkaroon ng pandemic ng COVID-19 umabot na sa 127 na OWWA personnel ang tinamaan ng naturang sakit.
Sa kabila nito tiniyak ni Cacdac na tuluy-tuloy ang serbisyo ng mga frontliner ng OWWA para matulungan ang mga umuuwing OFs.
Sa datos ng OWWA, umabot na sa 262,000 na OFs ang naasistihan para makauwi sa kani-kanilang pamilya.