Posibleng magkaroon ng manipulasyon sa halalan sa Mindanao dahil sa palaging pagkakaroon ng brownout.
Ikinaalarma kasi ni vice presidential candidate Sen. Bongbong Marcos ang mga serye ng pambo-bomba sa mga transmission towers sa Mindanao na nagdudulot ng kakapusan ng supply ng kuryente.
Ayon kay Marcos, posibleng magamit ng mga mapagsamantalang politiko ang pagkakataon sa tuwing nawawalan ng kuryente sa Mindanao, para sila ay makapandaya.
Kaya naman panawagan niya, isa sa mga paraan para maiwasan ang anumang uri ng pandaraya, ay ang pagiging mapagmatyag ng mga tao.
Kailangan rin aniyang tiyakin ng Commission on Elections (COMELEC) na mayroon silang planong pang-seguridad para sa automated elections, nang sa gayon ay maging kumpyansa ang mga Pilipino na kapani-paniwala ang magiging resulta ng botohan.