Mahigit 100 nasawi sa pagbaha sa Vietnam

By Dona Dominguez-Cargullo October 22, 2020 - 09:22 AM

Nakapagtala na ng mahigit 100 katao na nasawi dahil sa naranasang pagbaha sa Central Vietnam.

Maliban sa mga nasawi, mayroon pang nasa 20 na nawawala.

Kabilang sa nasawi ang 22 sundalo na natabunan ng landslide sa Quang Tri province at ang 13 miyembro ng rescue team na dapat ay magliligtas sa mga manggagagwa sa isang hydropower plant.

Ilang linggo nang nakararanas ng severe flooding at landslides sa Central Vietnam.

Sa datos ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies, umabot na sa 178,000 na bahay ang nalubog sa tubig-baha.

Marami ding kalsada at pananamin ang nasira.

Ayon sa Vietnam Red Cross Society, isa ito sa pinakamalalang insidente na kanilang naranasan sa nakalipas na ilang dekada.

 

 

TAGS: flashflood, quang tri province, Vietnam, flashflood, quang tri province, Vietnam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.