PhilHealth nagpatawag ng board meeting ngayong araw; problema sa utang sa Red Cross reresolbahin
May isasagawang board meeting ngayong araw ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
Sinabi sa Radyo INQUIRER ni Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III na sa gagawing board meeting ay umaasa silang maaayos ang problema sa hindi nabayarang utang sa Philippine Red Cross (PRC).
Ayon kay Bello, nagiging maingat lang aniya si PhilHealth President Dante Gierran sa basta-bastang paglalabas ng pondo ng ahensya lalo pa at nabalot ito ng isyu ng korapsyon.
Sinabi ni Bello na pakikiusapan ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez si Gierran na solusyunan na ang problema para hindi na matengga sa quarantine hotels ang mga returning overseas Filipinos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.