Ilang lalawigan sa Central Luzon nakararanas pa rin ng pag-ulan

Nakararanas pa rin ng pag-ulan sa ilang lalawigan sa Central Luzon.

Ayon sa PAGASA dulot ito ng trough ng Severe Tropical Storm Pepito.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA, alas 8:00 ngayong umaga ng Huwebes (Oct. 22) ay mahina hanggang sa katamtamang buhos ng ulan sa Tarlac ang mararanasan sa susunod na mga oras.

Sa Zambales at Bataan naman, ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan.

Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha.

 

 

 

Read more...