Maraming lansangan sa Apayao at Benguet naapektuhan ng landslide
May mga kalsada sa Apayao at Benguet na naapektuhan ng pagguho ng lupa sa kasagsagan ng pag-ulan na dulot ng bagyong Pepito.
Sa update mula sa DPWH-Cordillera Administrative Region, sa Apayao, nakapagtala ng mga insidente ng soil collapse sa Malabing, Kabugao, Apayao Road.
Isang bahagi ng kalsada ang nananatiling one-lane passable lamang at patuloy pa ang clearing operations.
Sa Conner-Kabugao Road naman, naapektuhan din ng landslide ang ilang bahagi partikular ang Badduat, Kabugao, Apayao.
May mga inilagay nang warning signs sa bahagi ng apektadong kalsada.
Sa lalawigan naman ng Benguet, naapektuhan ng Road Slip ang bahagi ng Itogon-Dalupirip Rpad.
Nakapaglagay na rin ng warning signs sa lugar at inaasahang maitutuloy ang clearing operations ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.