Pinangunahan ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang pagpapasinaya sa 1.54 kilometer road segment o ang Maitim at Kaybagal Section ng nagpapatuloy na 4-lane Tagaytay Bypass Road Project.
Ang kabuuan ng proyekto ay mayroong habang 8.59-kilometer na inaasahang makababawas sa traffic congestion sa main road ng Tagaytay.
Ayon kay Villar, sa sandaling matapos na ang buong Tagaytay Bypass Road bababa sa 20 minuto na lamang ang travel time mula sa Alfonso, Cavite patungong Tagaytay City mula sa kasalukuyang 53 minutong biyahe.
Umabot na sa P466.24 Million ang nailabas na pondo ng DPWH para sa naturang proyekto.
Mayroon ding bike lane sa magkabilang linya ng kalsada.