LPA papasok ng PAR at posibleng maging bagyo ayon sa PAGASA

Isang panibagong Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 1,660 kilometers East ng Mindanao.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ezra Bulquerin, posibleng pumasok ng bansa ang LPA at magiging ganap na bagyo.

Papangalanan itong Quinta sa sandaling maging ganap na bagyo sa loob ng bansa.

Samantala, ang bagyong binabantayan sa labas ng bansa ay wala nang tsansang pumasok ng PAR.

Huli itong namataan sa layong 1,870 kilometers east northeast ng extreme Northern Luzon.

 

 

Read more...