Severe Tropical Storm Pepito lalabas na ng bansa ngayong araw

Patuloy sa paglayo sa bansa ang Severe Tropical Storm Pepito.

Batay sa severe weather bulletin, huling namataan ang bagyo sa layong 380 kilometers West ng Dagupan City, Pangasinan .

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Ayon as PAGASA, ngayong araw ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyong Pepito.

Ang trough ng bagyong Pepito ay maghahatid pa rin ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, Palawan, at Western Visayas.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.

Nakataas ang gale warning sa baybaying dagat ng Northern at Central Luzon at sa Western at Eastern seaboars ng Southern Luzon.

 

 

 

Read more...