Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 48,972

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (October 21, 3:00 PM) nakapagtala ng 304 na bagong kaso kaya pumalo na sa 48,972 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 12,876
Laguna – 14,225
Batangas – 8,784
Rizal – 9,947
Quezon – 3,140

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 12,398.

Nasa 35,401 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 819 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 8,296
Laguna – 11,529
Batangas – 6,750
Rizal – 6,995
Quezon – 1,831

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 8 kaya umabot na sa 1,173 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 286
Laguna – 236
Batangas – 230
Rizal – 327
Quezon – 94

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

Read more...