Ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon makararanas ng pag-ulan
Uulanin sa susunod na mga oras ang ilang lalawigan na kalapit ng Metro Mannila.
Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ngayong Huwebes (Oct. 22), mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mararanasan sa Tarlac, Pampanga, Quezon, Bulacan at Cavite sa susunod na mga oras.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa mga bayan ng San Marcelino, Castillejos, San Antonio, Subic at Olongapo sa Zambales; at sa mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, Morong, Orani, at Samal sa Bataan.
Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha bunsod ng mararanasang pag-ulan dulot pa rin ng Severe Tropical Storm Pepito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.