Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Central Visayas, nasa 902

Nagkaroon pa ng 52 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 21, 21,923 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 902 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 28 ang bagong gumaling kung kaya 19,692 na ang COVID-19 recoveries.

13 naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,329 na ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...