27 pang residente, tinamaan ng COVID-19 sa Baguio
Umabot sa 27 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (October 21), umabot na sa 1,752 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Sa nasabing bilang, 590 ang aktibo pang kaso.
23 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 1,141 na ang total recoveries sa Baguio City habang 21 pa rin ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 4,368 ang aktibo habang 3,133 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 13,955 na residente habang 19,324 ang nakatapos na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.