Aabot sa P150 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa operasyon na ikinasa ng magkasanib puwersa ng PDEA at PNP sa Lapu-Lapu City, Cebu Miyerkules ng hapon.
Base sa paunang ulat, alas-4:30 nang ikinasa ang high impact operation sa Barangay Suba-Basbas ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 7, Intelligence Unit ng Region 7 Police Regional Office at Lapu Lapu City police.
Naaresto sa operasyon ang 30-anyos na si Gilbert Lumanog, residente ng Barangay Busay sa Cebu City.
Nakumpiska sa kanya ang 23 packs ng hinihinalang shabu na may timbang na higit 22 kilo at nagkakahalaga ng P150.28 milyon.
Isinilid ang mga droga sa Chinese tea packaging.
Sasampahan ng kasong drug trafficking si Lumanog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.