COVID-19 positive cases sa Western Visayas, lagpas 15,000 na
Nagpositibo ang 137 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang October 21, umakyat na sa 15,042 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
3,052 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 76.08 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
102 naman ang gumaling pa kaya 11,634 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Nanatili naman sa 356 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.