Bilang ng pulis na nagpositibo sa COVID-19, lagpas 6,900 na
Aabot sa 74 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (October 21), 6,904 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 643 ang aktibo pang kaso.
77 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 6,240 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Walang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 21 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.