Wanted na babaeng Czech dahil sa fraud, embezzlement arestado

By Angellic Jordan October 21, 2020 - 08:49 PM

Naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang Czech woman na wanted sa Prague dahil sa fraud at embezzlement.

Nakilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang dayuhang pugante na si Eva Sorelova, 48-anyos.

Nahuli si Sorelova sa kanyang tahanan sa bahagi ng Coronado Street, Barangay Guadalupe Viejo sa Makati City noong Huwebes.

“She will be deported for being an undesirable and undocumented as her embassy confirmed that she does not hold a valid passport or travel document,” pahayag ng BI chief.

Sinabi pa ni Morente na kabilang ang Czech woman sa alert list ng mga wanted na pugante ng Interpol.

Sa ngayon, nakakulong si Sorelova sa BI warden facility sa Taguig City habang hinihintay ang ilalabas na deportation order.

Matapos ito, isasama ang naturang dayuhan sa immigration blacklist at hindi na maaaring makapasok muli ng Pilipinas.

TAGS: BI Commissioner Jaime Morente, Inquirer News, Radyo Inquirer news, BI Commissioner Jaime Morente, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.