Magnitude 3.3 na lindol, tumama sa Cagayan

Yumanig ang magnitude 3.3 na lindol sa Cagayan, Miyerkules ng hapon.

Sinabi ng Phivolcs na ang episentro ng lindol ay nasa layong 182 kilometers Northwest ng Dalupiri Island (Calayan).

Tumama ang lindol sa nasabing bayan dakong 5:27 ng hapon.

Tectonic ang origin nito at 9 kilometers ang lalim.

Gayunman, walang naidulot na pinsala ang lindol sa naturang lugar at mga karatig-bayan.

Tiniyak din ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...