#PepitoPH, lumakas pa at isa nang severe tropical storm
Lumakas pa ang Bagyong Pepito at isa nang ganap na severe tropical storm bandang 2:00, Miyerkules ng hapon (October 21).
Batay sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang bagyo sa layong 295 kilometers Kanluran ng Dagupan City, Pangasinan dakong 4:00 ng hapon.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na sa 15 kilometers per hour.
Ayon pa sa weather bureau, inalis na sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 ang western portion ng Pangasinan. Dahil dito, wala nang lugar sa bansa na nakataas sa storm signal.
Maaaring lumabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes ng umaga o hapon, October 22.
Asahan ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Batanes, Babuyan Islands, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan.
Samantala, huli namang namataan ang isa pang Tropical Depression sa labas ng bansa sa layong 1,865 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon bandang 4:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong Timog Timog-Kanluran sa bilis na sa 10 kilometers per hour.
Gayunman, sinabi ng weather bureau na malabong pumasok ng PAR ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.