Mga Filipino abroad na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 11,186
Nasa walo ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang October 21, umakyat na sa 11,186 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 81 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,127 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
1p naman ang bagong gumaling kung kaya 7,244 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 815 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,369 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,215 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 816 naman ang kaso sa Americas at 1,786 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.