40 LSIs, ligtas na naihatid sa Iloilo

By Angellic Jordan October 21, 2020 - 04:02 PM

PCG PHOTO

Ligtas na nakauwi ang 40 locally stranded individuals (LSIs) sa Iloilo City, araw ng Martes (October 20).

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), hinatid ang mga LSI ng BRP Malapascua (MRRV-4403) sa Arrastre Pier, Fort San Pedro.

Ang naturang ferry mission ay nagmula sa Lungsod ng Maynila.

Tiniyak ng mga tauhan ng PCG na naipatupad ang health standards sa loob ng barko.

Sumailalim din sa disembarkation protocol ang nga LSI laban sa banta ng nakakahawang sakit.

Bahagi ito rin ng malawakang “Hatid Tulong Initiative” ng pamahalaan sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

TAGS: BRP Malapascua, Hatid Tulong Initiative, Inquirer News, locally stranded individual, LSI, PCG, Radyo Inquirer news, BRP Malapascua, Hatid Tulong Initiative, Inquirer News, locally stranded individual, LSI, PCG, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.