MRT-3, magpapatupad ng temporary shutdown mula Oct. 31 hanggang Nov. 2

By Angellic Jordan October 21, 2020 - 03:43 PM

Magpapatupad ng tatlong araw na temporary shutdown sa operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ipatutupad ang shutdown mula October 31 hanggang November 2.

Layon nitong bigyang-daan ang isasagawang bushing replacement sa depot at turnout activity sa bahagi ng Taft Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP.

Bahagi ng bushing replacement ng 34.5-kilovolt alternating current (kV AC) switch gear ang pagsasayos ng bus tie na nagbibigay ng suplay ng kuryente sa depot mula sa Meralco power source sa Balintawak at Diliman, at pagkukumpuni ng isang panel na may 12 bushing unit.

Itutuloy din ang pagsasaayos ng 2A at 2B turnout sections sa Taft Avenue station.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ito ay bahagi ng massive rehabilitation and maintenance sa buong linya ng tren ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

TAGS: Inquirer News, MRT 3, MRT-3 massive rehabilitation and maintenance, MRT-3 temporary shutdown, Radyo Inquirer news, Sumitomo-MHI-TESP, Inquirer News, MRT 3, MRT-3 massive rehabilitation and maintenance, MRT-3 temporary shutdown, Radyo Inquirer news, Sumitomo-MHI-TESP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.