Pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam ipinagpaliban
Hindi na muna itutuloy ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa Isabela.
Batay sa abiso ng National Irrigation Administration, nasa 188.11 meters ang water level ng Magat Dam as of alas 7:00 ng umaga ngayong araw.
Mababa pa ito ng 4.89 meters sa spilling level ng dam na 193 meters.
Maliban dito, 40-millimeter pa lamang ang nasukat na dami ng tubig-ulan na bumuhos sa bahagi ng Magat Watershed na mas mababa kaysa sa rainfall forecast na 120-millimeter.
Muli na lamang maglalabas ng abiso ang NIA kung kakailanganing magpakawala ng tubig sa dam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.