Dahil ito sa patuloy na pagtaas ng water level sa Cagayan River.
Pinapayuhan ang mga naninirahan sa tabi ng Ilog ng Cagayan, partikular sa bahagi ng Linao, Lower Abulug, Lower Pamplona, Cabicungan, Aunugay, Ba, Palawig, at Taboan.
Kasama ding pinag-iingat ang mga nakatira sa mabababang lugar sa Tuguegarao City, Enrile, Solana, Iguig, Amulung, Alcala, Gattaran, Lal-lo, Lasam, Camalanuigan, Baggao at Aparri.
Ang mga residente ay pinayuhang maging alerto at lumikas kung kinakailangan na.
As of 9:20 ng umaga, ang water level sa Buntun River ay nasa 7.28 meters.
Itataas ang alert level sa Buntun Bridge sa sandaling umabot sa 9 meters ang tubig sa ilog.