TS Pepito nasa West PH Sea na; 3 lalawigan na lang ang nakasailalim sa Signal No. 2

Nasa bahagi na ng West Philippine Sea ang Tropical Storm Pepito.

Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 115 kilometers northwest ng Dagupan City, Pangasinan.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging umaabot sa 75 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa mga sumusunod na lugar:

– La Union
– northern portion ng Zambales (Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz),
– western portion ng Pangasinan (Bani, Anda, Bolinao, Agno, Dasol, Burgos, Alaminos City, Mabini, Sual, Infanta, Bugallon, Labrador, Aguilar, Mangatarem, Urbiztondo, Basista, Malasiqui, San Fabian, Pozzorubio, Sison, Laoac, Urdaneta City, Manaoag, San Jacinto, Dagupan City, Mangaldan, Mapandan, Santa Barbara, San Carlos City, Calasiao, Binmaley, Lingayen)

Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 naman ang nakataas sa:

– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– nalalabing bahagi ng Pangasinan
– Abra
– western portion ng Kalinga (Balbalan, Pasil, Lubuagan, Tinglayan)
– western portion ng Mountain Province (Barlig, Sadanga, Bontoc, Sagada, Sabangan, Bauko, Tadian, Besao)
– western portion ng Ifugao (Banaue, Hingyon, Kiangan, Tinoc, Hungduan, Asipulo)
– Benguet
– western portion ng Nueva Vizcaya (Ambaguio, Kayapa, Aritao, Santa Fe)
– western portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, Munoz City, Santo Domingo, Zaragoza, Aliaga, Licab, Guimba, Talugtug, Quezon, Nampicuan, Cuyapo)
– Tarlac
– nalalabing bahagi ng Zambales

Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga o tanghali ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.

Lalakas pa ito habang nasa West Philippine Sea at maaring umabot sa severe tropical storm category.

Ngayong araw, ang bagyo ay maghahatid ng “katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Pangasinan, La Union, Apayao, Benguet, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Calamian Islands.

Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan naman sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon.

 

 

Read more...