Marikina River nananatiling nasa normal level
Nasa normal level pa rin ang sitwasyon sa Marikina River.
As of 6:00 ng umaga ngayong Miyerkules (Oct. 21) ay nasa 13.8 meters ang water level ng ilog.
Sa nakalipas na mga oras kasi ay huminto ang mga pag-ulang nararanasan sa kabundukan na nakapabalibot sa Marikina River.
Nakapagtala lamang ng 1-millimeter na dami ng buhos ng ulan sa bahagi ng Mt. Boso-Boso sa Antipolo.
Sa huling abiso ng PAGASA, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang nararanasan ngayon sa Metro Manila, Rizal at mga kalapit pang lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.