177 pamilya sa Aurora Province inilikas

By Dona Dominguez-Cargullo October 21, 2020 - 06:27 AM

Umabot sa 177 pamilya ang inilikas sa lalawigan ng Aurora matapos ang pag-landfall doon ng Tropical Storm Pepito kagabi.

Ayon kay Aurora PDRRMO Elson Egargue kabilang sa tinitiyak ay ang nasusunod ang social distancing at minimum health standard sa evacuation centers.

Hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng bayan ng Dilasag.

Sinabi ni Egargue na wala namang matinding epekto sa lalawigan ang pag-landfall ng bagyong Pepito.

Hanggang alas 6:00 naman ngayong umaga ay patuloy sa pag-apaw ang Ditubo River sa bayan ng Dilasag sa Aurora.

Batay sa abiso ng Dilasag MDRRMO, hindi passable sa light at medium vehicles ang Dilasag-Dinapigue Road dahil sa tubig-baha.

 

 

TAGS: Aurora, Evacuation, Inquirer News, News in the Philippines, PepitoPH, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Aurora, Evacuation, Inquirer News, News in the Philippines, PepitoPH, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.