General Luna, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 3.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 35 kilometers northeast ng bayan ng General Luna, alas-4:04 ng umaga ng Miyerkules (October 21).

May lalim na 18 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...