Yellow heavy rainfall warning nakataas sa ilang bayan sa Cagayan
Nakataas na ang heavy rainfall warning sa ilang mga bayan sa lalawigan ng Cagayan.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA, alas 5:00 ng umaga ngayong Miyerkules (Oct. 21), yellow warning na ang umiira sa mga bayan ng Baggao, Gattaran at Lallo.
Ang nararanasang malakas na buhos ng ulan ay dahil sa tropipcal storm Pepito.
Samantala, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang nararanasan sa Babuyan Island, Calayan Island, Camiguin Island, Dalupiri Island, Fuga Island, Apayao, mga bayan ng Aparri, Ballesteros, Buguey, Camalanuigan, Claveria, Pamplona, Santa Teresita at Sanchez Mira sa Cagayan; Tanudan, Kalinga; Natonin at Paracelis sa Mountain Province.
Pinapayuhan ang mga residente na mag-antabay sa mga susunod na abisong ilalabas ng PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.