Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 48,668

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (October 20, 3:00 PM) nakapagtala ng 286 na bagong kaso kaya pumalo na sa 48,668 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 12,827
Laguna – 14,177
Batangas – 8,708
Rizal – 9,857
Quezon – 3,099

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 12,921.

Nasa 34,582 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 647 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 8,296
Laguna – 11,529
Batangas – 6,670
Rizal – 6,286
Quezon – 1,801

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 27 kaya umabot na sa 1,165 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 286
Laguna – 235
Batangas – 228
Rizal – 325
Quezon – 91

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

Read more...