Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina 2,815 na

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (Martes, October 20) pumalo na sa 2,815 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 211 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay 74 na.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 2,530 na.

 

 

Read more...