Yellow rainfall warning nakataas sa ilang parte ng Apayao, Cagayan at Isabela

By Angellic Jordan October 20, 2020 - 11:13 PM

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa abiso ng PAGASA bandang 11:00 ng gabi, ito ay dulot pa rin ng Tropical Storm Pepito.

Nakataas ang yellow warning sa Apayao partikular sa Calanasan, Flora, Santa Marcela at Luna; Cagayan sa Alcala, Allacapan, Amulung, Aparri, Baggao, Claveria, Gattaran, Gonzaga, Lallo, Peñablanca, Santa Ana at Sanchez Mira; Isabela sa Cabagan, Divilacan, Ilagan City, Maconacon, San Pablo at Tumauini.

Samantala, mararanasan pa rin ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Fuga Island, Abra (Boliney, Bucloc, Daguioman, Luba, Manabo, Pilar, Tubo at Villaviciosa), Cagayan (Amulung, Baggao, Claveria, Enrile, Gattaran, Iguig, Pamplona, Peñablanca, Piat, Rizal, Santa Praxedes, Sanchez Mira, Solana, Tuao at Tuguegarao City), Ilocos Norte (Adams, NuevaEra at Pagudpud).

Uulanin din ang Isabela (Cabagan, Cabatuan, Divilacan, Ilagan City, Luna, Maconacon, Quirino, SanPablo at Tumauini), Kalinga (Balbalan, Lubuagan, Pasil, Pinukpuk, Rizal, TabukCity, Tanudan at Tinglayan), Mountain Province (Barlig, Bauko, Besao, Bontoc, Natonin, Paracelis, Sabangan, Sadanga, Sagada at Tadian).

Iiral ang nasabing sama ng panahon sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

TAGS: breaking news, Inquirer News, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], Tropical Storm Pepito, weather update October 20, yellow rainfall warning, breaking news, Inquirer News, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], Tropical Storm Pepito, weather update October 20, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.