(UPDATED) Tumama na ang Tropical Storm Pepito sa kalupaan ng Casiguran, Aurora Martes ng gabi.
Sa abiso ng PAGASA, nag-landfall ang sentro ng bagyo sa bahagi ng San Ildefonso Peninsula dakong 9:00 ng gabi.
Batay sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Abuleg, Aurora dakong 10:00 ng gabi.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 125 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na sa 20 kilometers per hour.
Dahil dito, nakataas ang tropical cyclone wind signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 2:
– La Union
– Pangasinan
– Ifugao
– Benguet
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Nueva Ecija
– Tarlac
– Aurora
– Southern portion ng Isabela (Palanan, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Cauayan City, Dinapigue, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, Echague, San Agustin, Jones, Santiago City, Cordon)
– Southern portion ng Ilocos Sur (Sugpon, Alilem, Tagudin)
– Northern portion ng Zambales (Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz, Botolan, Cabangan)
– Northern portion ng Bulacan (San Miguel, Doña Remedios Trinidad)
– Northern portion ng Pampanga (Candaba, Arayat, Magalang, Mabalacat)
– Northern portion ng Quezon (General Nakar) kabilang Polillo Islands
Signal no. 1:
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Bataan
– Metro Manila
– Rizal
– Nalalabing bahagi ng northern portion ng Quezon (Infanta, Real)
– Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
– Nalalabing bahagi ng Isabela
– Nalalabing bahagi ng Pampanga
– Nalalabing bahagi ng Bulacan
– Nalalabing bahagi ng Zambales
Sinabi ng PAGASA na maaaring lumabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes ng umaga o hapon.
Asahan ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa Central Luzon, Cordillera Administrative Region, northern Quezon (kabilang Polillo Islands), Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, mainland Cagayan, La Union, at Pangasinan.
Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing parte ng Luzon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro.
Samantala, huli namang namataan ang isa pang Tropical Depression sa labas ng bansa sa layong 1,825 kilometers East Northeast ng Basco, Batanes bandang 10:00 ng gabi.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Halos hindi kumikilos ang bagyo, ayon sa PAGASA.
Gayunman, sinabi ng weather bureau na malabong pumasok ng PAR ang bagyo.