Mga poste sa gitna ng kalsada, ikinairita ng mga senador

By Jan Escosio October 20, 2020 - 09:58 PM

Hindi na naitago ng ilang senador ang pagkainis sa kapos na pagpupursige ng National Electrification Agency na matanggal ang mga poste ng kuryente na halos nasa gitna na ng mga kalsada.

Sa 2021 budget deliberation ng NEA sa Senado, pinuna nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Sens. Sherwin Gatchalian, Nancy Binay at Imee Marcos ang kakulangan ng konkretong plano ng ahensiya sa mga poste sa gitna ng mga kalsada.

Ayon sa apat na senador, hindi makakaila na lubhang delikado sa mga motorista ang mga poste.

“This is a matter of public concern – a matter of safety and better use of public fund- because billions are poured into the widening of our road networks and, yet, these are wasted because there is no effort to remove these public hazards,” sabi ni Drilon kay NEA Administrator Edgardo Masongsong.

Katuwiran ni Masongsong, mangangailangan ng P4 bilyon para maisaayos ang mga poste at aniya. sa susunod na taon ay P400 milyon lang ang nailaan.

Nang marinig ito ni Drilon, sinabi nito na aabutin pa ng isang dekada bago maalis ang lahat ng mga poste na nasa gitna ng kalsada.

TAGS: Inquirer News, National Electrification Agency, Radyo Inquirer news, Sen. Franklin Drilon, Sen. Imee Marcos, Sen. Nancy Binay, Sherwin Gatchalian, Inquirer News, National Electrification Agency, Radyo Inquirer news, Sen. Franklin Drilon, Sen. Imee Marcos, Sen. Nancy Binay, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.