Mga gumaling sa COVID-19 sa Mandaluyong City, pumalo na sa 4,801

Napaulat ang 17 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:03, Martes ng hapon (October 20), 5,329 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 358 ang aktibong kaso.

Tatlo ang itinuturing na probable cases habang 1,478 ang suspected cases kung saan 20,058 ang cleared na.

38 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,801 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

Samantala, 170 pa rin ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...