#WalangPasok sa October 21 dahil sa Bagyong Pepito

Nag-anunsiyo na ng suspensiyon ng klase sa ilang lugar at pamantasan para sa araw ng Miyerkules, October 21.

Ito ay bunsod pa rin ng umiiral na Tropical Storm Pepito.

Sa inilabas na Executive Order no. 093 ni Mayor Romeo Salda, walang pasok ang trabaho maging ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa La Trinidad, Benguet.

Narito naman ang mga pamantasan na nag-anunsiyo ng class suspension:
– Coronado’s School of Quezon City, Inc. (all levels)
– Our Lady of Perpetual Succor College – Marikina (preschool to college)

I-refresh ang page na ito para sa pinakahuling update ukol sa balita.

Read more...