Bilang ng pulis na nagpositibo sa COVID-19, nasa 6,830 na

Aabot sa 62 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (October 20), 6,830 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 647 ang aktibo pang kaso.

32 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 6,162 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Walang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 21 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...