Skyway Stage 3, may ‘soft opening’ sa Kapaskuhan

By Jan Escosio October 20, 2020 - 09:38 PM

DPWH PHOTO

Wala pang eksaktong petsa, ngunit inanunsiyo na ng San Miguel Corp., ang pagbubukas ng Skyway Stage 3 sa darating na Disyembre.

Ayon kay Ramon Ang, presidente at chief operating officer ng SMC, nagsasagawa na lang ng ‘finishing touches’ sa 17.93-kilometer ‘skyway’ na mag-uugnay sa SLEX at NLEX.

“While we’re still doing a few finishing works, we want the public to be able to use Skyway 3 already and benefit from the convenience and ease of travel that it will bring,” ayon kay Ang.

Sinabi pa nito na isang buwan na walang bayad ang paggamit sa Stage 3, na titingnan alternatibo sa EDSA sa mga motorista na bibiyahe ng Timog Luzon hanggang Central Luzon.

Magkakaroon ng walong access points ang Stage 3 sa mga lungsod ng Makati, Maynila, San Juan at Quezon City.

Tiwala si Ang na magiging madali at mabilis na ang pagbiyahe mula Hilaga hanggang Timog Luzon at malaki ang maitutulong nito sa pag-unlad sa rehiyon gayundin sa pangkalahatang ekonomiya.

TAGS: Inquirer News, NLEX, Radyo Inquirer news, Ramon Ang, San Miguel Corporation, Skyway Stage 3, SLex, Inquirer News, NLEX, Radyo Inquirer news, Ramon Ang, San Miguel Corporation, Skyway Stage 3, SLex

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.