Manila LGU, naghahanda na rin para sa Bagyong Pepito

Naghahanda na rin ang Manila City government para sa posibleng epekto ng Bagyong Pepito sa lungsod.

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), inihanda na bilang posibleng evacuation site ang Rosauro Almario Elementary School.

Sakaling kailangang ilikas, sa naturang paaralan dadalhin ang mga residenteng posibleng maaapektuhan ng bagyo.

Inilatag na ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga partition tent sa naturang paaralan.

Sa ngayon, base sa abiso ng PAGASA, kabilang ang Metro Manila sa mga lugar na nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signal no. 1.

Read more...