‘Overkill’ sa libing ni Baby River Nasino, idinetalye sa korte

By Jan Escosio October 20, 2020 - 07:00 PM

Nagsumite ng kanyang supplemental manifestation si Reina Mae Nasino sa isang korte sa Maynila para kondenahin ang naging pagtrato ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa libing ng kanyang anak noong nakaraang linggo.

Sa isinumiteng dokumento sa Manila RTC Branch 47, idinetalye ni Nasino ang mga naging pangyayari sa libing ni Baby River at aniya, hindi naging maayos at mapayapa ang pamamaalam niya sa tatlong buwang gulang na anak na babae sa Manila North Cemetery.

Nabanggit nito ang 20 pulis-Maynila na nagbantay sa punerarya, gayundin ang SWAT vehicle na may machine gun sa ibabaw, na nagdulot aniya ng matinding sindak sa mga nakipaglibing.

May pagkakataon din ayon sa aktibista na lumuhod at umiyak sa mga awtoridad ang kanyang ina para maging maayos ang libing.

Sinabi rin nito na ang biglang mabilis na pag-usad ng karo kayat tumakbo ang mga nakikipaglibing maging aniya ang hindi maayos na paghawak sa kabaong ng kanyang anak.

Binatikos at tinawag ng netizens na ‘overkill’ ang naging aksyon ng PNP at BJMP sa libing.

Naaresto si Nasino sa opisina ng Bayan sa Tondo, Maynila noong 2019 at kinasuhan siya ng illegal possession of firearms and explosives.

TAGS: Baby River Nasino, Baby River Nasino overkill, Inquirer News, Manila RTC Branch 47, Radyo Inquirer news, Reina Mae Nasino, Reina Mae Nasino supplemental manifestation, Baby River Nasino, Baby River Nasino overkill, Inquirer News, Manila RTC Branch 47, Radyo Inquirer news, Reina Mae Nasino, Reina Mae Nasino supplemental manifestation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.