Halos 500 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

By Angellic Jordan October 20, 2020 - 06:55 PM

Umabot sa 487 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Lunes ng hapon (October 19), hanggang 5:00, Martes ng hapon (October 20).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 269 kung saan 151 ang adult habang 118 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 178.

Lima naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, dalawa ang nahuling walang suot na damit pang-itaas, 12 ang umiinom, 10 ang naninigarilyo habang 10 sa iba pang ordinansa.

TAGS: COVID-19 response, curfew violators, GCQ guidelines violators, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators, COVID-19 response, curfew violators, GCQ guidelines violators, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.