Binagong GCQ guidelines sa Pasig, epektibo na ngayong araw

By Angellic Jordan October 20, 2020 - 06:42 PM

Photo courtesy: Mayor Vico Sotto/Facebook

Binago na rin ng Pasig City government ang kanilang General Community Quarantine (GCQ) guidelines at health protocols epektibo sa araw ng Martes, October 20.

Ayon kay Mayor Vico Sotto, ito ay alinsunod sa bagong panuntunan mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) at mga ahensya ng gobyerno, at base rin sa napag-usapan ng mga alkalde sa Metro Manila Council.

Base sa bagong guidelines, mula edad 18 hanggang 65 ang papayagang makalabas ng bahay para bumili ng mga pangunahing pangangailangan, may emergency cases at medical reasons.

Sinabi ng Pasig LGU na kung kaya, limitahin lamang sa isa ang lalabas kada bahay at laging magdala ng ID.

Para sa mga residenteng nagtatrabaho sa mga opisina at establisyemento, laging dalhin ang company ID o anumang katibayan ng employment.

Ang curfew hours sa nasabing lungsod ay mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 5:00 ng madaling-araw.

Sa mga restaurant, maaring makapag-operate hanggang 12:00 ng madaling-araw.

Ang bilang ng customer ay hindi dapat lalagpas sa 50 porsyento ng seating capacity.

Paalala rin ng Pasig LGU, kailangan tatlong metro ang layo ng mga lamesa.

Papayagan din ang 24-hour delivery services sa lungsod.

Samantala, itinaas na rin sa 30 porsyento ang seating capacity para sa religious gathering sa Pasig.

“Stay safe! Pag di sigurado.. mas mabuti n ang sobra tayo kesa kulang sa pag-iingat!,” nakasaad pa sa Facebook post ng alkalde.

TAGS: Inquirer News, Pasig health protocols, Radyo Inquirer news, updated GCQ guidelines in Pasig, Vico Sotto, Inquirer News, Pasig health protocols, Radyo Inquirer news, updated GCQ guidelines in Pasig, Vico Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.