Main evacuation center sa San Juan, inihanda na para sa mga posibleng maapektuhan ng Bagyong Pepito
Nag-set-up na ng main evacuation center sa San Juan Gym bilang paghahanda sa Tropical Storm Pepito.
Ayon kay Mayor Francis Zamora, sa naturang lugar dadalhin ang mga residente sa lungsod na kakailanganing i-evacuate.
Lalo na aniya ang mga residenteng naninirahan sa mabababang lugar at malapit sa San Juan River at mga creek ng lungsod.
Sinabi ng alkalde na nagbaba na siya ng direktiba sa mga kapitan ng barangay para matiyak na handa na rin ang evacuation centers sa mga barangay hall at basketball court.
Ani Zamora, nakaaleto na rin ang CDRRMO, CSWD, San Juan Police at San Juan BFP sakaling magkaroon ng pagbaha o anumang emergency.
“Bagama’t hindi siguradong diretsong tatama ang mata ng bagyo sa ating lungsod, ay mabuti nang tayo ay maging handa kaysa mabigla,” pahayag ng alkalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.