Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PNP spokesman Col. Ysmael Yu na bilang chairman ng PNP Bids and Awards Committee at Director for Comptrollership, naging instrumento si Ramos para sa mabilis at transparent procurement ng iba’t ibang kagamitan para sa kanilang hanay.
“PMGEN Jovic Ramos fought a good fight to enjoy his supposed retirement from the service on November 25 with his family, but the Almighty has another plan for him,” pahayag ni Yu.
Si Ramos ay miyembro ng PMA “Sinagtala” Class of 1986.
Si Ramos ay kabilang sa mga sakay ng PNP Bell 429 na bumagsak sa San Pedro City, Laguna noong Marso 5, 2020.
Matapos ang aksidente, agad ginawang grounded ang lahat ng PNP air-assets.