#PepitoPH, bahagya pang lumakas; Inaasahang magla-landfall ngayong gabi

By Angellic Jordan October 20, 2020 - 05:41 PM

Bahagyang bumilis ang pagkilos ng Tropical Storm Pepito, ayon sa PAGASA.

Batay sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang bagyo sa layong 110 kilometers Silangan ng Baler, Aurora dakong 4:00 ng hapon.

Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na sa 30 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas ang tropical cyclone wind signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 2:
– La Union
– Pangasinan
– Ifugao
– Benguet
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Nueva Ecija
– Tarlac
– Aurora
– Southern portion ng Isabela (Palanan, San Mariano, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Cauayan City, Dinapigue, San Guillermo, Angadanan, Alicia, San Mateo, Ramon, San Isidro, Echague, San Agustin, Jones, Santiago City, Cordon)
– Southern portion ng Ilocos Sur (Sugpon, Alilem, Tagudin)
– Northern portion ng Zambales (Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria, Santa Cruz, Botolan, Cabangan)
– Northern portion ng Quezon (General Nakar) kabilang Polillo Islands

Signal no. 1:
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Bulacan
– Pampanga
– Bataan
– Metro Manila
– Rizal
– Nalalabing bahagi ng northern portion ng Quezon (Infanta, Real)
– Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
– Nalalabing bahagi ng Isabela
– Nalalabing bahagi ng Zambales

Inalis na sa Signal no. 1 ang northern portion ng Camarines Norte.

Ayon sa weather bureau, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa coast ng Aurora sa pagitan ng 6:00 ng gabi at 10:00 ng gabi, October 20.

Matapos dumaan sa kalupaan ng Luzon, posibleng lumakas pa ang bagyo at umabot sa severe tropical storm category sa Huwebes, October 22.

Sinabi rin ng PAGASA na maaaring lumabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes ng umaga o hapon.

Asahan ang katamtaman hanggang katamtamang buhos ng ulan sa Central Luzon, MIMAROPA, Camarines Norte, Quezon, Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela, mainland Cagayan, La Union, Pangasinan, at Benguet.

Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing parte ng Luzon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro.

Samantala, isa pang Tropical Depression ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.

Huli itong namataan sa layong 1,750 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon bandang 4:00 ng hapon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na sa 15 kilometers per hour.

Gayunman, sinabi ng weather bureau na malabong pumasok ng PAR ang bagyo.

TAGS: breaking news, Inquirer News, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], Tropical Storm Pepito, weather update October 20, yellow rainfall warning, breaking news, Inquirer News, Pagasa, PepitoPH, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], Tropical Storm Pepito, weather update October 20, yellow rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.