Yellow rainfall warning nakataas sa Nueva Ecija at ilang parte ng Quezon, Bulacan

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa abiso ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, ito ay dulot pa rin ng Tropical Storm Pepito.

Nakataas ang yellow warning sa Nueva Ecija; Doña Remedios Trinidad sa Bulacan; at Quezon partikular sa Polilio, Burdeos, Panukulan at General Nakar.

Samantala, mararanasan pa rin ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at nalalabing parte ng Quezon.

Iiral ang nasabing sama ng panahon sa susunod na tatlong oras.

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

Read more...