Ilang barangay sa Guinayangan, Quezon binaha
Nakaranas ng pagbaha ang ilang barangay sa Guinayangan, Quezon araw ng Martes (October 20).
Ito ay bunsod ng pag-ulang dala ng Tropical Storm Pepito.
Sa Facebook post ng Guinayangan PIO, ilan sa mga apektadong barangay ay ang Barangay Calimpak, Sisi, Himbubulo Este, Salakan at Hinabaan.
Sa Barangay Sisi, umapaw kasi ang ilog kung kaya’t nagtulungan ang mga residente na alisin ang mga nakabara para hindi magdulot ng malaking pagbaha.
Maliban dito, nagkaroon pa ng landslide sa bahagi ng isang bundok sa Barangay Himbubulo Weste.
Agad namang naisaayos ang daan patungo sa iba pang barangay sa naturang bayan.
Pinaalalahanan naman ni Mayor Cesar Juarez Isaac III ang mga residente na mag-ingat sa pagdaan sa mga apektadong lugar.
Inatasan din nito ang Guinayangan MDRRMO at Engineering Office na tumulong sa lahat ng dadaan sa mga apektadong lugar para matiyak ang kaligtasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.