Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (October 20), umabot na sa 360,775 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 43,443 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,640 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
83.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.6 porsyento ang asymptomatic; 2.0 porsyento ang severe habang 3.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 17 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 6,690 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 369 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 310,642 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.