Lima hanggang walo pang bagyo ang posibleng pumasok sa bansa bago matapos ang taong 2020 – NDRRMC

By Angellic Jordan October 20, 2020 - 04:13 PM

Inihayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na posibleng umabot hanggang walong bagyo ang pumasok sa bansa bago matapos ang taong 2020.

Sa Palace press briefing, sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na maaaring lima hanggang walo pang bagyo ang pumasok sa bansa hanggang sa katapusan ng Disyembre.

“Sa karanasan naman natin, usually mayroong isa o dalawa na sa mga bagyo na ito na maaring mapaminsala nang husto o malakas,” pahayag ni Jalad.

Dahil dito, nagpulong na aniya sila para sa gagawing paghahanda.

“Kaya noon pa lang mga ilang buwang nakalipas ay nagsagawa na tayo ng pre-disaster risk assessment meeting at saka preparedness measures, isa na diyan para sa la niña,” ni Jalad.

Batay sa huling abiso ng PAGASA, posibleng lumabas ang Tropical Storm Pepito ng teritoryo ng bansa sa Huwebes ng umaga, October 22.

TAGS: 2020 typhoons, Inquirer News, NDRRMC, Pagasa, Palace press briefing, Radyo Inquirer news, Ricardo Jalad, 2020 typhoons, Inquirer News, NDRRMC, Pagasa, Palace press briefing, Radyo Inquirer news, Ricardo Jalad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.